1 Tunay na mabuti ang Dios sa Israel,lalo na sa mga taong malilinis ang puso.
2 Ngunit ako, halos mawalan na ako ng pananampalataya.
3 Nainggit ako nang makita ko na ang mayayabang at masasama ay umuunlad.
4 Malulusog ang kanilang mga katawanat hindi sila nahihirapan.
5 Hindi sila naghihirap at nababagabag na tulad ng iba.
6 Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.
7 Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan,at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.
8 Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba.Mayayabang sila at nagbabantang manakit.
9 Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao.
10 Kaya kahit na ang mga mamamayan ng Dios ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang mga sinasabi nila.
11 Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Dios?Walang alam ang Kataas-taasang Dios.”
12 Ganito ang buhay ng masasama:wala nang problema, yumayaman pa.
13 Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan?
14 Nagdurusa ako buong araw.Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.
15 Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan.
16 Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito,ngunit napakahirap.
17 Pero nang pumunta ako sa inyong templo,doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.
18 Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan,at ibinabagsak sa kapahamakan.
19 Bigla silang mapapahamak;mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.
20 Para silang isang panaginip na pagsapit ng umaga ay wala na.Makakalimutan na sila kapag pinarusahan nʼyo na.
21 Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,
22 para akong naging hayop sa inyong paningin,mangmang at hindi nakakaunawa.
23 Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at inakay nʼyo ako.
24 Ginagabayan ako ng inyong mga payo,at pagkatapos ay tatanggapin nʼyo ako bilang isang pangunahing pandangal.
25 Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang.At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.
26 Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan.Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
27 Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak.Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.
28 Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios.Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan,upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.