1 Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo?Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok?
2 Sumagot ang Panginoon,“Ang taongnamumuhay ng tama,walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,
3 hindi naninirang puri,at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.
4 Itinatakwil ang mga taong sobrang sama,ngunit pinararangalan ang mga taong may takot sa Dios.Tinutupad ang kanyang ipinangako kahit na mahirap gawin.
5 Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang,at hindi tumatanggap ng suhol upang sumaksi laban sa taong walang kasalanan.”Ang taong gumagawa ng ganito ay hindi matitinag kailanman.