1 Tumawag ako nang malakas sa inyo, Panginoon.Nananalangin ako na kaawaan nʼyo ako.
2 Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.
3 Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin.Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan.
4 Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin.Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.
5 Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon.Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan,kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.”
6 Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong,dahil wala na akong magawa.Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin,dahil silaʼy mas malakas sa akin.
7 Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito,upang akoʼy makapagpuri sa inyo.At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko,dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon.