1 Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig.
2 Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3 Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.Siya ay banal!
4 Siyaʼy haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan,at ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.
5 Purihin ang Panginoon na ating Dios.Sambahin siya sa kanyang templo.Siya ay banal!
6 Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.
7 Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi;sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.
8 Panginoon naming Dios, sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Dios na mapagpatawad kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
9 Purihin ang Panginoon na ating Dios.Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,dahil ang Panginoon na ating Dios ay banal.