1 O Dios, kayo ang aking Dios.Hinahanap-hanap ko kayo.Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa,na tulad ng lupang tigang sa ulan.
2 Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo.
3 Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay,kaya pupurihin ko kayo.
4 Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay.Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.
5 Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan.At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan
6 Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko.Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko.
7 Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako,habang akoʼy nasa inyong pangangalaga.
8 Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako ng inyong kanang kamay upang hindi ako mapahamak.
9 Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay ay mapupunta sa lugar ng mga patay.
10 Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat.
11 Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya.Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon.Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon!