1 Purihin nʼyo ang Panginoon!Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
2 Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.
3 Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.
4 Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
5 upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,at makadama rin ng kanilang kagalakan,at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
6 Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;masama ang aming ginawa.
7 Nang silaʼy nasa Egipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila,at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.