1 Nakatira noon ang mga taga-Israel na lahi ni Jacob sa Egipto,na kung saan iba ang wika ng mga tao.
2 Nang papalabas na sila sa Egipto, ginawa ng Dios na banal na lugar ang Juda,at ang Israel ay kanyang pinamunuan.
3 Ang Dagat na Pula ay nahawi at ang Ilog ng Jordan ay tumigil sa pag-agos.
4 Nayanig ang mga bundok at burol,na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa.
5 Bakit nahawi ang Dagat na Pula,at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog ng Jordan?
6 Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol,na parang lumulundag na mga kambing at tupa?