8 Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao.
9 Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.
10 Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
11 Totoong pinaligiran nila ako,ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
12 Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan,ngunit silaʼy napatigil agad na parang sinusunog na dayami na madali lang mapawi ng apoy.Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko.
13 Puspusan nila akong sinalakay,at halos magtagumpay na sila,ngunit tinulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ang aking kalakasanat siya ang aking awit.Siya ang nagligtas sa akin.