119 Itinuturing nʼyo na parang basura ang lahat ng masasama rito sa mundo,kaya iniibig ko ang inyong mga turo.
120 Nanginginig ako sa takot sa inyo;sa hatol na inyong gagawin ay natatakot ako.
121 Ginawa ko ang matuwid at makatarungan,kaya huwag nʼyo akong pababayaan sa aking mga kaaway.
122 Ipangako nʼyong tutulungan nʼyo ako na inyong lingkod;huwag pabayaang apihin ako ng mga mayayabang.
123 Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay sa inyong pangako na ililigtas ako.
124 Gawin nʼyo sa akin na inyong lingkod ang naaayon sa inyong pagmamahal,at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.
125 Ako ay inyong lingkod, kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa,upang maunawaan ko ang inyong mga katuruan.