25 Akoʼy parang mamamatay na, kaya panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako.
26 Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at pinakinggan nʼyo ako.Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.
27 Ipaunawa nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin,upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa.
28 Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.
29 Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama,at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan.
30 Pinili ko ang tamang daan,gusto kong sumunod sa inyong mga utos.
31 Panginoon, sinunod ko ang inyong mga turo,kaya huwag nʼyong papayagang akoʼy mapahiya.