1 Panginoon, tulungan nʼyo po kami,dahil wala nang makadios,at wala na ring may paninindigan.
2 Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa.Nambobola sila para makapandaya ng iba.
3 Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola.
4 Sinasabi nila,“Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami.Sasabihin namin ang gusto naming sabihin,at walang sinumang makakapigil sa amin.”
5 Sinabi ng Panginoon,“Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha,at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap.Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”
6 Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon.
7 Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan,at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman.