5 Sinabi ng Panginoon,“Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha,at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap.Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”
6 Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon.
7 Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan,at ilalayo sa masamang henerasyong ito magpakailanman.
8 Pinalibutan nila kami,at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawain.