1 “Walang Dios!”Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili.Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa.Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti.
2 Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao,kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya.
3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao.Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.
4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao?Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan.At hindi sila nananalangin sa Panginoon.
5 Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot,dahil kakampihan ng Dios ang mga matuwid.
6 Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha,ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.