3 Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao.Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.
4 Kailan kaya matututo ang masasamang tao?Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan.At hindi sila nananalangin sa Panginoon.
5 Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot,dahil kakampihan ng Dios ang mga matuwid.
6 Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha,ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.
7 Dumating na sana ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion!Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon,kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan.