7 Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan,at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.
8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin;hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.
9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat;nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.
10 Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha;pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan.
11 Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari,
12 upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari.
13 Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako,at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha.