1 O Panginoon, pakinggan nʼyo ang taimtim kong dalangin.Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan.
2 Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid,kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.
3 Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako,ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin.Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama
4 gaya ng ginagawa ng iba.Dahil sa inyong mga salita,iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.
5 Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan,at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.