5 Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya,naging tanyag siya at makapangyarihan.
6-7 Dahil nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon,pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan,at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling.At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Dios,hindi siya mabubuwal.
8 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway.
9 At kapag kayo ay dumating Panginoon, lilipulin nʼyo sila.Dahil sa galit nʼyo, tutupukin sila na parang dayami sa naglalagablab na apoy.
10 Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan,upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahing masama.
11 Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo,ngunit hindi sila magtatagumpay.
12 Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana.