1 Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan?Bakit kay layo nʼyo sa akin?Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan.
2 Dios ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo,ngunit hindi nʼyo ako sinasagot,kaya wala akong kapahingahan.
3 Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono,at pinupuri ng mga Israelita.
4 Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala,at silaʼy inyong iniligtas.
5 Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.
6 Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.
7 Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar,at iiling-iling na nagsasabi,