20 Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,
21 o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.
22 Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo.At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.
23 Kayong may takot sa Panginoon,purihin ninyo siya!Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,parangalan ninyo siyaat matakot kayo sa kanya!
24 Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.Hindi niya sila tinatalikuran,sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.
25 Panginoon , bigyan nʼyo ako ng kasiglahan na magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan.Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo,tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.
26 Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog.Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo.Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.