3 Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono,at pinupuri ng mga Israelita.
4 Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala,at silaʼy inyong iniligtas.
5 Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo.Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.
6 Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao.Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.
7 Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar,at iiling-iling na nagsasabi,
8 “Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon,bakit hindi ka niya iniligtas?Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?”
9 Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina,at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako.