8 “Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon,bakit hindi ka niya iniligtas?Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?”
9 Ngunit kayo ang naglabas sa akin sa sinapupunan ng aking ina,at mula noong dumedede pa ako, iningatan nʼyo na ako.
10 Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo,at mula noon, kayo lang ang aking Dios.
11 Kaya huwag nʼyo akong pababayaan,dahil malapit nang dumating ang kaguluhan,at wala na akong ibang maaasahan.
12 Napapaligiran ako ng maraming kaaway,na para bang mababangis na mga toro mula sa Bashan.
13 Para rin silang mga leong umaatungalat nakanganga na handa akong lapain.
14 Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos,at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat.At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.