3 Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan.Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan,upang siyaʼy aking maparangalan.
4 Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakotdahil kayo ay aking kasama.Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat;ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.
5 Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway.Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin.At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.
6 Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay.At titira ako sa bahay nʼyo, Panginoon, magpakailanman.