1-2 Panginoon kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala.Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya akoat pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo.
3 Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan,ngunit mapapahiya ang mga traydor.
4 Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
5 Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.Kayo ang lagi kong inaasahan.