3 Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan,ngunit mapapahiya ang mga traydor.
4 Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
5 Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.Kayo ang lagi kong inaasahan.
6 Panginoon, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig,na inyong ipinakita mula pa noong una.
7 Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway komula pa noong aking pagkabata.
8 Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.
9 Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama.Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.