2 Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili,hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito.
3 Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan.Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan.
4 Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama.Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti,at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.
5 Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatanay umaabot hanggang sa kalangitan.
6 Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan.Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan.Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
7 Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios!Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak.
8 Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa,at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan.