11 Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana.
12 Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid,at galit na galit sila.
13 Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama,dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol.
14 Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada,at nakaumang na ang kanilang mga panaupang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid.
15 Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espadaat mababali ang kanilang mga pana.
16 Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabutikaysa sa kayamanan ng masama.
17 Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid,ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.