25 Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoono ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.
26 Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram,at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.
27 Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.
28 Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan.Silaʼy iingatan niya magpakailanman.Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
29 Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
30 Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
31 Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso,at hindi niya ito sinusuway.