5 Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinilina nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
6 Inihahayag ng kalangitan na ang Dios ay matuwid,dahil siya nga ang Dios na may karapatang mamuno at humatol.
7 Sinabi pa ng Dios, “Kayong mga mamamayan ko,pakinggan ninyo ang aking sasabihin!Ako ang Dios, na inyong Dios.Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!
8 Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handogna palagi ninyong iniaalay sa akin.
9 Hindi ko kailangan ang inyong mga baka at mga kambing.
10 Sapagkat akin ang lahat ng hayop:ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol.
11 Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok,at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.