1 O Dios, kaawaan nʼyo po akoayon sa inyong tapat na pagmamahal.At ayon sa inyong labis na pagmamalasakit sa akin,ang lahat ng pagsuway ko ay inyong pawiin at akoʼy patawarin.
2 Hugasan nʼyo ako, at linisin nʼyo nang lubos sa aking kasamaan,
3 dahil inaamin ko ang aking mga pagsuway,at lagi kong iniisip ang aking mga kasalanan.
4 Tanging sa inyo lamang ako nagkasala.Gumawa ako ng masama sa inyong paningin.Kaya makatarungan kayo sa inyong pagbibintang sa akin.Karapat-dapat lang na hatulan nʼyo ako.