14 Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay,O Dios na aking Tagapagligtas.At sisigaw ako sa kagalakan dahil sa inyong pagliligtas.
15 Panginoon, buksan nʼyo po ang aking labi,nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo.
16 Hindi naman mga handog ang nais nʼyo;mag-alay man ako ng mga handog na sinusunog, hindi rin kayo malulugod.
17 Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan.Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.
18 Dahil sa kagustuhan nʼyo,pagpalain nʼyo ang Jerusalem.Muli nʼyong itayo ang mga pader nito.
19 Nang sa gayon malugod kayo sa mga nararapat na handog,pati sa mga handog na sinusunog ng buo.At maghahandog din sila ng mga baka sa inyong altar.