4 Tanging sa inyo lamang ako nagkasala.Gumawa ako ng masama sa inyong paningin.Kaya makatarungan kayo sa inyong pagbibintang sa akin.Karapat-dapat lang na hatulan nʼyo ako.
5 Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang,kahit noong ipinaglilihi pa lang ako.
6 Ang nais nʼyo ay isang pusong tapat,kung kayaʼt ipagkaloob nʼyo sa aking kaloob-looban ang karunungan.
7 Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalananupang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.
8 Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahanupang sa aba kong kalagayan, muling mapasaakin ang kagalakan.
9 Kalimutan nʼyo ang aking mga kasalanan,at pawiin ang lahat kong kasamaan.
10 Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios,at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.