20 Kinalaban ng dati kong kaibigan ang kanyang mga kaibigan;at hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako.
21 Malumanay at mahusay nga siyang magsalita,ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso,at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.
22 Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya.Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.
23 Ngunit itatapon niya ang mga mamamatay-tao at ang mga mandarayasa napakalalim na hukay bago mangalahati ang kanilang buhay.Ngunit ako, akoʼy magtitiwala sa kanya.