1 O Dios, maawa kayo sa akin, dahil sa inyo ako nanganganlong.Katulad ng sisiw na sumisilong sa ilalim ng pakpak ng inahing manok, sisilong ako sa inyo hanggang sa wala ng kapahamakan.
2 Tumatawag ako sa inyo, Kataas-taasang Dios,sa inyo na nagsasagawa ng layunin sa aking buhay.
3 Mula sa langit ay magpapadala kayo ng tulong upang akoʼy iligtas.Ilalagay nʼyo sa kahihiyan ang mga kaaway ko.Ipapakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa akin.
4 Napapaligiran ako ng mga kaaway,parang mga leong handang lumapa ng tao.Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana,mga dilaʼy kasintalim ng espada.
5 O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo.
6 Nabagabag ako dahil naglagay ng bitag ang aking mga kaaway.Naghukay rin sila sa aking dadaanan, ngunit sila rin ang nahulog dito.