1 O Dios, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway.At sa mga kumakalaban sa akin, ako ay inyong ingatan.
2 Iligtas nʼyo ako sa masasama at sa mga mamamatay-tao.
3 Panginoon, tingnan nʼyo!Inaabangan nila ako para patayin,kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.
4-5 Wala akong nagawang kasalanan,ngunit handa silang salakayin ako.Sige na po, Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ng Israel.Tingnan nʼyo na ang nangyayari; tulungan nʼyo ako!Kumilos na kayo, at parusahan nʼyo ang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo.Huwag nʼyong kahabagan ang mga taksil na iyon.
6 Bumabalik sila kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.