12 Nagkakasala sila dahil sa kasamaan ng kanilang sinasabi.Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan.Nagmumura sila at nagsisinungaling,
13 kaya sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho.Sa gayon ay malalaman ng buong mundo na kayo, O Dios, ang naghahari sa Israel.
14 Bumabalik ang mga kaaway ko kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.
15 Naglilibot sila para humanap ng pagkain at umaalulong kapag hindi nabusog.
16 Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan.Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig.Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.
17 O Dios, kayo ang aking kalakasan.Aawit ako ng mga papuri sa inyo,dahil kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal.