3 Panginoon, tingnan nʼyo!Inaabangan nila ako para patayin,kahit na wala akong nagawang kasalanan sa kanila.
4-5 Wala akong nagawang kasalanan,ngunit handa silang salakayin ako.Sige na po, Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ng Israel.Tingnan nʼyo na ang nangyayari; tulungan nʼyo ako!Kumilos na kayo, at parusahan nʼyo ang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo.Huwag nʼyong kahabagan ang mga taksil na iyon.
6 Bumabalik sila kapag gabi at tumataholgaya ng aso habang naglilibot sila sa bayan.
7 Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita; kasing sakit ng tusok ng espada.At sinasabi pa nila, “Wala namang nakakarinig sa atin.”
8 Ngunit, pinagtatawanan nʼyo lang sila Panginoon.Kinukutya nʼyo ang mga taong hindi sumasampalataya sa inyo.
9 O Dios ikaw ang aking kalakasan.Maghihintay ako sa inyo dahil ikaw ang aking tagapagtanggol,
10 at ikaw ang Dios na nagmamahal sa akin.Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akin ang pagbagsak ng aking mga kaaway.