1 O Dios, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig.Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon, manumbalik sana ang inyong kabutihan.
2 Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak,ngunit nakikiusap ako na ayusin nʼyo po dahil babagsak na ito.
3 Kami na mga mamamayan nʼyo ay labis-labis nʼyong pinahirapan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak, sumusuray-suray.
4 Ngunit, para sa aming mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaanng aming pagtitipon sa oras ng labanan.
5 Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.Pakinggan nʼyo kami,upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.
6 O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucotpara ipamigay sa aking mga mamamayan.
7 Sa akin ang Gilead at Manase,ang Efraim ay gagawin kong tanggulanat ang Juda ang aking tagapamahala.