6 O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucotpara ipamigay sa aking mga mamamayan.
7 Sa akin ang Gilead at Manase,ang Efraim ay gagawin kong tanggulanat ang Juda ang aking tagapamahala.
8 Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din.Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
9 Sinong magdadala sa akin sa Edomat sa bayan nito na napapalibutan ng pader?
10 Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami?Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.
11 Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.
12 Sa tulong nʼyo, O Dios,kami ay magtatagumpaydahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.