1 O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panawagan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin.
2 Mula sa dulo ng mundo,tumatawag ako sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa.Dalhin nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,
3 dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.
4 Hayaan nʼyo akong tumira sa inyong templo magpakailanmanat ingatan nʼyo ako tulad ng manok na nag-iingat ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.