3 Sabihin ninyo sa kanya,“O Dios, kahanga-hanga ang inyong mga gawa!Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan,luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.
4 Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyona may awit ng papuri.”
5 Halikayo at tingnan ang kahanga-hangang ginawa ng Dios para sa mga tao.
6 Pinatuyo niya ang dagat;tinawid ito ng ating mga ninuno na naglalakad.Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.
7 Maghahari ang Dios ng walang hanggansa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan,kaya ang mga sumusuway sa kanyaay hindi dapat magmalaki sa kanilang sarili.
8 Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios!Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.
9 Iningatan niya ang ating buhayat hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.