1 Panginoon kong Dios, nanganganlong ako sa inyo.Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin.
2 Baka patayin nila ako,katulad ng pagluray ng leon sa kanyang mga biktima,kung walang magliligtas sa akin.
3 Panginoon kong Dios, kung talagang ginawa ko ang mga kasalanang ito –
4 kung ginantihan ko nga ng masama ang ginawang mabuti ng aking kaibigan,o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan,
5 hayaan nʼyong usigin ako ng aking mga kaaway at talunin.Hayaan nʼyong tapakan nila ako hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.
6 Sige na po, O Panginoon kong Dios,ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway,dahil nais nʼyo rin ang katarungan.