9 Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao,at pagpalain nʼyo ang mga matuwid,dahil kayo ay Dios na matuwid,at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.
10 Kayo, O Dios, ang nag-iingat sa akin.Inililigtas nʼyo ang mga namumuhay nang matuwid.
11 Kayo ang matuwid na hukom, at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo ang inyong galit sa masasama.
12-13 Kung ayaw nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan,ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan.Katulad nʼyo ay isang sundalong nakahanda na ang mga nakamamatay na sandata.Nahasa na niya ang kanyang espada,at nakaumang na ang palasong nagbabaga.
14 Mapag-isip sila ng gulo at kasamaan,kaya nakakapanloko sila ng kapwa.
15-16 Pero sila mismo ang mapapahamak sa kanilang binabalak na panggugulo at karahasan.Ang katulad nila ay humuhukay ng bitag para mahulog ang iba,pero sila rin ang mahuhulog sa hinukay nila.
17 Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid kayo.Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios.