1 O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami.Kayo na nangunguna at pumapatnubay sa angkan ni Jose na parang mga tupa.Kayo na nakaupo sa inyong trono sa gitna ng mga kerubin,ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,
2 sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manase.Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan;puntahan nʼyo kami para iligtas.
3 O Dios, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.
4 Panginoong Dios na Makapangyarihan,hanggang kailan ang galit ninyo sa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?
5 Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan, at halos mainom na namin ang aming mga luha.
6 Pinabayaan nʼyong awayin kami ng mga kalapit naming bansaat pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
7 O Dios na Makapangyarihan,ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.