12 Kaya hinayaan ko kayo sa katigasan ng inyong ulo at ginawa ninyo ang inyong gusto.
13 Kung nakinig lang sana kayo sa akin at sumunod sa aking mga pamamaraan,
14 kaagad ko sanang nilupig at pinarusahan ang inyong mga kaaway.
15 Ang mga napopoot sa akin ay yuyukod sa takot.Ang kaparusahan nila ay walang katapusan.
16 Ngunit kayo na aking mga mamamayan,pakakainin ko kayo ng pinakamainam na bunga ng trigo at pulot hanggang sa mabusog kayo.”