1 Sa araw na iyon, aawit kayo:“Panginoon, pinupuri ko kayo. Nagalit kayo sa akin, pero hindi na ngayon, at ngayoʼy inaaliw nʼyo na ako.
2 Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas.Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot.Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit.Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
3 Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng Panginoon.
4 Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:“Purihin ninyo ang Panginoon!Sambahin nʼyo siya!Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa.Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin.
5 Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa.Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.
6 Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion.Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”