1 Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda:Matatag na ang ating lungsod!Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin.
2 Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa Panginoon.
3 Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
4 Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
5 Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.