10 Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama,hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid.Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid,patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama,at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan.
11 Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila,pero hindi nila alam.Ipaalam nʼyo sa kanila, Panginoon.Ilagay nʼyo po sila sa kahihiyan. Ipakita nʼyo sa kanila kung gaano nʼyo kamahal ang iyong mga mamamayan.Lipulin nʼyo po sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.
12 Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan,sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.
13 Panginoon na aming Dios,pinamahalaan kami ng ibang panginoon,pero kayo lang ang aming sinasamba.
14 Patay na sila ngayon at hindi na mabubuhay pa.Pinarusahan nʼyo sila at pinatay para malimutan at hindi na maaalala pa.
15 Panginoon, pinalawak nʼyo ang aming bansa.Pinalapad nʼyo ang aming mga hangganan,at itoʼy nagbigay ng karangalan sa inyo.
16 Panginoon, pinarusahan nʼyo ang iyong mga mamamayan,at sa kanilang mga paghihirap ay dumulog at tumawag sila sa inyo.