3 Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
4 Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
5 Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.
6 At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.
7 Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.
8 Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos,at nagtiwala kami sa inyo.Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
9 Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi.Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,matututo silang mamuhay nang matuwid.