5 Ikaw Asiria ang gagamitin kong pamalo—ang tungkod ng aking pagkapoot.
6 Isusugo ko siya laban sa isang bayang walang diyos,isang bayang kinapopootan ko,upang ito'y wasakin at samsaman ng lahat ng yamanat tapakang parang putik sa lansangan.
7 Ngunit hindi ganito ang binabalak ng hari ng Asiria,wala nga ito sa isipan niya.Ang layunin niya'y wasakin ang maraming bansa.
8 Ang sabi niya:“Hindi ba't pawang hari ang aking mga pinuno?
9 Ano ang pagkakaiba ng Calno sa Carquemis?Ng Hamat sa Arpad,at ng Samaria sa Damasco?
10 Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan;na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria,
11 hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito,ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?”