1 Dinggin mo ito, O bayang Israel, kayong nagmula sa lahi ni Juda,sumumpa kayong maglilingkod kay Yahweh,at sasambahin ang Diyos ng Israel,ngunit hindi kayo naging tapat sa kanya.
2 Ipinagmamalaki ninyong kayo'y nakatira sa banal na lunsod;at kayo'y umaasa sa Diyos ng Israel;ang pangalan niya ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
3 Sinabi ni Yahweh sa Israel,“Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan.
4 Alam kong matitigas ang inyong ulo,may leeg na parang bakal at noo na parang tanso.
5 Kaya noon pa,ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo,upang kung maganap na'y huwag ninyong isipinna ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito.
6 “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad,inyo nang kilalanin ang katotohanan nito.Ngayo'y may ihahayag akong bago,mga bagay na hindi ko inihayag noon.
7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin;wala pang pangyayaring katulad nito noonpara hindi ninyo masabing ito'y alam na ninyo.
8 Alam kong hindi kayo mapagkakatiwalaan,sapagkat lagi na lamang kayong naghihimagsik.Kaya tungkol dito'y wala kayong alam,kahit kapirasong balita'y walang natatanggap.
9 “Dahil na rin sa karangalan ko,ako ay nagpigil,dahil dito'y hindi ko na kayo lilipulin.
10 Sinubok ko kayo sa pamamagitan ng kahirapan,kung paanong ang pilak ay dinadalisay sa apoy;ngunit kayo'y napatunayang hindi nararapat.
11 Ang ginawa ko'y para na rin sa sariling kapakanan,paghamak sa ngalan ko'y hindi ko pahihintulutan.Ang karangalan ko'y tanging akin lamang,walang makakahati kahit na sinuman.”
12 Sinabi ni Yahweh,“Makinig ka sa akin O Israel, bayang aking hinirang!Ako lamang ang Diyos;ako ang simula at ang wakas.
13 Ako ang lumikha sa pundasyon ng daigdig,ako rin ang naglatag sa sangkalangitan;kapag sila'y aking tinawag, agad silang tutugon.
14 “Magsama-sama kayo at makinig!Walang nakaaalam isa man sa mga diyus-diyosan,na ang hinirang ko ang lulusob sa Babilonia;at gagawin niya ang lahat ng ipapagawa ko.
15 Ako ang tumawag sa kanya,pinatnubayan ko siya at pinagtagumpay.
16 Kayo ay lumapit at pakinggan ang aking sasabihin.Sa mula't mula pa'y hayagan ako kung magsalitaat ang sabihin ko'y aking ginagawa.”Sa kapangyarihan ng espiritu ng Panginoong Yahweh, ako'y kanyang sinugo.
17 Ganito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel,ni Yahweh na sa iyo'y tumubos:“Ako ang iyong Diyos na si Yahweh.Tuturuan kita para sa iyong kabutihan,papatnubayan kita sa daan na dapat mong lakaran.
18 “Kung sinusunod mo lang ang aking mga utos,pagpapala sana'y dadaloy sa iyo,parang ilog na hindi natutuyo ang agos.Tagumpay mo sana ay sunod-sunod,parang along gumugulong sa dalampasigan.
19 Ang iyong lahi ay magiging sindami sana ng buhangin sa dagat,at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”
20 Lisanin ninyo ang Babilonia, takasan ninyo ang Caldea!Buong galak na inyong ihayag sa lahat ng lugarna iniligtas ni Yahweh ang lingkod niyang si Israel.
21 Nang patnubayan ni Yahweh ang bayang Israel, sa pagtawid sa malawak at mainit na disyerto,hindi ito nauhaw bahagya mansapagkat binutas niya ang isang malaking bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Ang sabi ni Yahweh, “Walang kapayapaan ang mga makasalanan!”